Thursday, May 21, 2015

Gising mga Muslim! Ang may pag-iisip ay nag-iisip!

"Dahil ang hangad ng Malaysia ay ang yamang langis at yamang likas mula sa mayamang lupa at dagat ng Mindanao. Magsisilbi itong anihan ng yaman para sa mamamayan ng Malaysia sa kanilang pangangailangang mina mula sa lupa, pagkaing halaw sa bukid at isdang galing sa dagat ng Mindanao."




By E. S. Cruz 
For FORMA - Friends of Rafael Alunan III
20 May 2015




Alam lamang ng Muslim Mindanao ang laban sa kuffar (Christians/Manila). Ang tunay nilang kaaway ay Malaysia kahit isa itong bansang Muslim.

Dahil ang hangad ng Malaysia ay ang yamang langis at yamang likas mula sa mayamang lupa at dagat ng Mindanao. Magsisilbi itong anihan ng yaman para sa mamamayan ng Malaysia sa kanilang pangangailangang mina mula sa lupa, pagkaing halaw sa bukid at isdang galing sa dagat ng Mindanao. Ipinain ng Malaysia ang Muslim Mindanao sa laban sa gobyerno upang manghinawa ang Muslim Mindanao sa kakayahang mamuno at magbigay ng sagot ng gobyernong Pilipinas sa pangangailangan ng Mindanao. 

Ngayon ay ipinalalabas na 'Peace' o Katahimikan sa pag ayon ng gobyerno ng Pilipinas sa lihim na hangarin ng Malaysia; ang tuluyang paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas at pagsanib sa Malaysia.
 
Gising mga Muslim! Ang may pag-iisip ay nag-iisip. May mga bagay ng hindi ninyo gusto subalit makabubuti sa inyo at may mga bagay na inyong gusto subalit makasasama sa inyo. Surah 2. Al-Baqara, Ayah 216

كُتِبَ عَلَيْكُمُ الْقِتَالُ وَهُوَ كُرْهٌ لَكُمْ ۖ وَعَسَىٰ أَنْ تَكْرَهُوا شَيْئًا وَهُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۖ وَعَسَىٰ أَنْ تُحِبُّوا شَيْئًا وَهُوَ شَرٌّ لَكُمْ ۗ وَاللَّهُ يَعْلَمُ وَأَنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ
Fighting is prescribed for you and ye dislike it. But it is possible that ye dislike a thing which is good for you and that ye love a thing which is bad for you. But Allah knoweth and ye know not. Quf al BBL wa Sabru!

Itigil ang BBL at maghintay. Stop BBL and Wait!
Ang Malaysia ay magnanakaw!/ Malaysia al harami'l kubra!Ninanakaw ng Malaysia and lupa at langis ng Sabah!Isusunod ng Malaysia ang pagnanakaw sa Mindanao!

~~~~O~~~~


The author, an administrator of FORMA - Friends of Rafael Alunan III, is Muslim and is a staunch advocate of "YES TO PEACE! NO TO BBL" Movement.

No comments:

Post a Comment